Biyernes, Marso 28, 2014
tikatik
patak ng ulan sa iyo'y nakatitig
tulad mong sa patak nagmamasid
parehong pinglabo ang paningin
tulad mong pinagmanhid ng lamig.
patak ng ulan bakit ganito?
tila alam aking hinanampo
marahang humugos mula sa langit,
kay bilis bumigwas sa aking busilig
nakipag-ulayaw sa luhang taliwas
at ikinubli ang lungkot at bakas.
patak ng ulan, mumunti mang ituring
salamat sa nagyeyelo nitong lambing
niyakap ako habang nakahimbing
tulad ni ina nang ako ay supling
patak ng ulan buti pa siya
alam niya kung kailan bababa
ang ulan kayang sa ulan nagpadala
marahil hapis ko'y kanyang nakikita.
bilanggo ako sa patak ng luha
na kalauna'y patak ng ulan
na sa akin ay lumunod, lumamon
at pinagpiraso ng daluyong
mahal, sana'y tulad ka ng ulan
saaki'y lumapit at iyong punasan
dinulot mong sakit at kabiguan
sa puso kong iyong pinagkaitan.
kung hindi man sana'y isama ako ng ulan
na bumalik sa ulap at muling mananahan
doon mahal ay ligaya ko nang lubusan
ang makita ka at aking mabantayan...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)